MENU
lepto
 
LUMUSONG KA BA SA BAHA?
 
Kapag ikaw ay nakaramdam ng mga sintomas ng LEPTOSPIROSIS dalawang araw pagkatapos lumusong sa baha, agad na komunsulta sa pinakamalapit na pagamutan. Huwag mag self-medicate.
Sa kasalukuyan, 64 na ang kaso ng Leptospirosis na naitala sa Zamboanga City Medical Center pagkatapos ng malakas na bagyong Paeng mula Oktubre 30 hangang Nobyembre 17, 2022.
Huwag isawalang bahala ang mga sintomas na nararamdaman, ang Leptospirosis ay nakamamatay kapag pinabayaan.