As a patient at ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER, you have the following responsibilities: |
Bilang pasyente sa ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER, ikaw ay may mga tungkulin tulad ng mga sumusunod: |
Know your rights. |
“ Na alamin ang iyong mga karapatan”. |
Provide accurate and complete information about your health and medication, history, and allergies. |
“Na ipaalam ang mga kaukulang impormasyon tungkol sa iyo at iyong dinaramdam”. |
Inform authorized personnel immediately when you notice any changes in your condition or disease. |
“Na agad ipahiwatig ang mga napapansing pagbabago sa nararamdaman ukol sa kalusugan at karamdaman”. |
Understand the reasons behind the treatment being performed and the necessary expenses required of them. |
“Na unawain ang mga kadahilanan ng mga lunas na ginagawa at ang kaukulang gugulin para ito”. |
To accept the results/effects of treatment performed for the reason that all have been explained to you from the start. |
“Na tanggapin ang kinalabasan ng gamutan sa dahilang ang lahat ay naipaliwanag sa iyo nung una pa man”. |
Fulfill your financial obligations by paying for services and care rendered by both the hospital and your doctors. |
“Na gampanan ang tungkulin na bayaran ang mga dapat bayaran sa nangyaring gamutan at pag-aalaga”. |
Be considerate and respectful of the rights of other patients and hospital personnel. |
“Na igalang ang mga manggagamot, lahat ng nangalaga sa iyong kapakanan at maging ang iyong kapwa pasyente”. |
Perform your obligations to yourself. |
”Na tuparin ang mga tungkulin mo sa iyong sarili”. |
Participate and cooperate in all your obligations for the improvements of your health. |
”Na sumali at tumulong sa lahat ng mga dapat mong gawin tungo sa pagbuti ng iyong kalusugan”. |
Always respect this health facility and all personnel involved in its mission. |
“Na palaging igalang ang pagamutang ito at ang lahat ng taong may kaugnayan sa misyon nito”. |
Remain true to all discussions/conversations that you were part of. |
“Na manatiling tapat sa lahat ng mga usapang kung saan ikaw ay naging bahagi”. |
Responsible to follow hospital rules and regulations that affect patient care and conduct. |
“Responsibilidad na sundin ang mga panuntunin at regulasyon sa hospital na makakaapekto sa pangangalaga at kaayusan ng mga pasyente”. |
That all your health records are true and were not changed in any way, whether they were given or taken from ZCMC. |
“Na ang lahat ng tala ng iyong kalusugan ay pawang halaw sa katotohanan at walang ginawang pagbabago sa anumang pagkakataon, ibinigay man o kinuha ang mga ito sa ZCMC”. |
To cooperate with physicians in their training for expert treatment/care of children. |
“Na makipagtulungan sa mga manggagamot sa kanilang pagpapakadalubhasa sa panggagamot/pag-aalaga sa mga kabataan”. |
To inform to proper authorities of this hospital of all violations as perceived by you. |
”Na ipagbigay alam sa mga kinauukulan sa pagamutang ito ang lahat ng napansing mga paglabag ayon sa iyong pananaw”. |
- Details