
DOH Zamboanga Peninsula CHD - Nagsagawa ng Post Monitoring Activity sa Firework Related Injury sa Zamboanga City Medical Center , Enero 05, 2022
Sa pamumuno ng Regional Director, Joshua G. Brillantes, Asst. Regional Director Lenny Joy Johnson-Rivera at iba pang team ng DOH ZP CHD, ay nagsagawa ng post monitoring activity sa Firework Injury Related cases kasabay ng pagtatapos ng taong 2022.
Sa ngayon, may naitalang isang (1) kaso ang Emergency room ng Zamboanga City Medical kaugnay sa pagpapaputok noong Enero 2, 2022.
Maaalalang nagpalabas ng City Ordinance No. 431 o kilala bilang Firecracker Ban Ordinance ng 201ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City na nagbabawal sa pagbenta, paggamit at pag-imbak ng paputok.
Laging ipinapaalala ng Department of Health at Zamboanga City Medical Center na walang magandang naidudulot ang pagpapaputok, at kung ikaw man ay naputukan, dalhin agad sa pinakamalapit na pagamutan.